Blog Post – Special
A story by:
Ruth Victorio
Bangko Pangasinan – A Rural Bank, Inc.
We all know that one of the most recognizable characteristics of Filipinos is their strong and intimate family ties. If you ask them kung para kanino sila bumabangon o nagtratrabaho they would say, their family. They value and prioritize their family above anything else. They put in a full day’s work and take all possible source of income to support and feed their family.
According to a new Wells Fargo study, one-third (32%) of millennial and Gen X women reported being the primary breadwinner, versus the 20% rate reported by baby boomers and traditionalists (those born between 1928 and 1945).
At makikila natin si Cindy, ang breadwinner sa kanyang pamilya. Ang kanyang Nanay ay isang single Mom at nagtratrabaho ito sa isang Canteen sa loob ng school.
Ang kita ng kanyang Nanay ay hindi sapat para suportahan ang pag-aaral ng kanyang kapatid sa kolehiyo. Kaya bilang Ate, siya na ang sumasagot sa tuition at allowance ng kanyang kapatid. Ginagawa ni Cindy ito dahil ayaw niyang makita na walang patutunguhan ng kanyang kapatid kaya kahit mahirap humanap ng pera ginawa pa rin niya ang kanyang makakaya para masuportahan niya ang kanyang kapatid. Halos madalas siyang mag-overtime sa trabaho kapag Monday hanggang Friday at pagdating naman ng weekends nagsaside line siya. Nagreresell ito ng mga frozen foods at benebenta niya sa Barangay nila para may pang-allowance at pangtuition ng kanyang kapatid. At kapag may extra pa siyang pera sinasagot niya na rin ang ibang gastusin sa bahay.
Ganun ang naging routine ng buhay ni Cindy. Full time sa trabaho at sideline pa siya pagdating ng Sabado at Linggo. Hanggang sa dumating yung kinakatakot at ayaw mangyari ni Cindy.
Ilang araw na siyang hindi nakakapasok dahil sa pabalik-balik na sakit niya. Hindi siya nakakapagfocus sa trabaho at napabayaan niya na rin ang sideline niya, haggang nag-ooverthink na rin siya kung paano masusuportahan ang kanyang kapatid; na naging dahilan pa na mas lumala ang kanyang sakit.
Nadiagnosed si Cindy sa sakit na kanser sa dugo dahil madalas itong magpuyat para kumayod at wala rin itong savings para sa kanyang sarili dahil ang kanyang sweldo at kita sa pagsa-sideline ay napupunta sa tuition at allowance ng kanyang kapatid. At ang kanyang kapatid ay kailangan ng mag-stop sa pag-aaral dahil sa sakit ng kanyang Ate. Dahil dito, hindi na matutupad ni Cindy ang kanyang pangarap sa kanyang kapatid at kailangan niya na rin tumigil sa pagtratrabaho dahil sa kanyang kundisyon at wala rin siyang pera para ipagamot ang kanyang sarili dahil hindi biro ang gagastusin niya dahil malala ang sakit nito.
Hindi masama ang tumulong sa pamilya, pero ikaw na nakakabasa nito huwag mong pabayaan ang sarili mo. Tao ka. Kapag pagod ka o kailangan mo ng pahinga. Bigyan mo rin ang sarili mo para mag-break para hindi ka magbreakdown. At habang tumutulong ka sa pamilya mo, subukan mo ring mag-ipon para sa iyong sarili. Mag-save ka pang emergency o di kaya’y mag-hanap ka ng issurance na mag-sesecure ng sarili mo kapag nagkasakit ka. Hayaan mong ingatan ka rin ng pera na iningatan mo. Save money, secure your health and your family’s health, and lastly, take care of yourself.